Sabado, Disyembre 29, 2012

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Jeron Teng: Hardcourt Heartthrob

PICTURE! PICTURE!



Jeron Teng:  UAAP Season 75 Rookie of the Year



My balls, este my ball pala


I'm hungry na



Here I am



Try Me


Pwede na ba 'ko sa Mr. Pogi?



Ang liit ng trophy ko, he-he-he!




Sinong nagsabing I'm not sexy?

38th MMFF Awards Night Winners:

Mula sa pahayang Police Files
Watching Machine
By Gas Gayondato III




Nora Waging-Wagi sa MMFF 2012 Awards Night
Dingdong, Cesar, Wilma panalo!






MATAGUMPAY na idinaos ang "38th Metro Manila Film Festival Awards Night" last Jan. 27 sa Meralco Theater.
          Hindi umubra ang pagta-try ni Angel Locsin na masungkit ang "Best Actress" award para sa pelikulang "One More Try" dahil kay Ms. Nora Aunor ito napunta para naman sa pelikulang "Thy Womb."  
          Dingdong Dantes made it for two consecutive years as the festival's Best Actor, this time for the movie "One More Try."
          Si Cesar Montano naman ang itinanghal na Best Supporting Actor para sa "El Presidente." 
          Surprise of all surprises ang pagkakahirang kay Wilma Doesnt bilang Best Supporting Actress for the movie "Sisterakas" ng Star Cinema.


Marami ang nagtataka kung bakit itinanghal na Best Picture ang “One More Try” gayung wala naman itong masyadong napanalunang award.  Ang pinakamabigat na award na nakuha nito ay Best Actor lang samantalang ang “Thy Womb” ni Nora, na bukod sa napanalunan ang Best Actress, Best Director, Gatpuno Villegas Cultural Award at Most Gender Sensitive Award ay wagi pa rin ng Best Production Design, Best Cinematographer, at Best Original Story pero hindi man lang nanalo kahit 3rd Best Picture Award.

            Nakakaloka nga kasi ang “Sisterakas” pa ng Star Cinema ang nag-3rd Best Picture samantalang Best Supporting Actress lang ang napanalunan nito.

            I understand na sa MMFF ay may malaking bearing sa pagpili ng Best Picture ang performance sa box-office ng isang pelikula pero hindi ba naisip ng mga kinauukulan na unfair ang ganitong paraan ng pagpili ng Best Picture sa mga pelikulang pinaghirapan at pinag-isipang mabuti ang paggawa para lang mabigyan ang madlang manonood ng isang makabuluhang panoorin?
            Huwag naman sanang ganun.  Kaya nga tayo merong tinatawag na MMFF top grosser, e, para sa pelikulang kumita sa takilya nang bonggang-bongga. 
            So, yung Best Picture ay ibigay naman sana natin sa deserving na manalong Best Picture.  Huwag nating lasunin ang isipan ng publiko sa tunay na kahulugan ng Best Picture.
            Tama ba ako mga bru, whew!?
 
           Eniweys, para sa mga hindi nakapanood ng nasabing awards night ay narito po ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi:

Best Picture: “One More Try” (Star Cinema)

2nd Best Picture: "El Presidente" (Scenema Concept International, 
           Viva Films and CMB Films

3rd Best Picture: "Sisterakas" (Star Cinema)
Gatpuno Villegas Cultural Award "Thy Womb"  
Most Gender Sensitive Award (Mainstream):  "Thy Womb" 
FPJ Memorial Award of Excellence:  "One More Try"
Best Director: Brillante Mendoza for “Thy Womb” (Center Stage

         Productions and the Film Development Council of the 
         Philippines)








Best Actress:  Nora Aunor for “Thy womb”

Best Actor:  Dingdong Dantes for “One More Try”

Best Supporting Actor:  Cesar Montano for “El Presidente”

Best Supporting Actress:  Wilma Doesnt for “Sisterakas”

Best Child Performer:  Miguel Vergara for “One More Try"
Best Visual Effects: "Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion" (Regal
          Films)
Best Production Design: "Thy Womb" 
Best Editing:  Vito Cahilig for “One More Try”
Best Cinematographer:  Odyssey Flores for "Thy Womb"
Best Original Story: Henry Burgos for "Thy Womb"  
Best Screenplay:  "One More Try"

Best Sound:  “El Presidente”
Best Musical Score:  “El Presidente”

Best Theme Song:  “El Presidente”


Best Make Up:  “El Presidente”

Youth Choice Award:  “El Presidente”

Best Festival Float: “El Presidente”


New Wave Best Picture: "The Grave Bandits"
Full length New Wave Best Actress:  Liza Dinno for "In Nomine 
          Matris"  
Full Length New Wave Best Actor: Allan Paule for "Dayak"  
New Wave Special Jury Prize: "Ad Ignoratiam"  
New Wave Best Director:  Tyrone Acierto for "The Grave Bandits"


SPECIAL AWARDS:
Male Star of the Night:  Former Pres. Joseph Estrada
Female Star of the Night:  Nora Aunor
SMDC Five Star Male Celebrity of the Night: Zanjoe Marudo
SMDC Five Star Female Celebrity of the Night: Bianca King

Miyerkules, Disyembre 26, 2012

SEXY & YUMMY JERIC GONZALES

 JERIC GONZALES:  PROTEGE 2:  THE BIG ARTISTA BREAK GRAND WINNER






























Sexy photos from Hot Men in the Philippines



MMFF 2012 TOP
By Gas Gayondato  111


From the official release of MMFF ay narito po ang 4 na pelikulang nanguna sa takilya sa opening day.




 
 
1.  Sisterakas - 39.2M

 2.  Si Agimat, Si Ententg Kabisote at Si Ako - 29.5 M, 


3. One More Try - 13.6 M

  4.  Shake Rattle Roll 14 - 10.5 M.
about 7 hours ago

Si Daniel dapat ang hinulaang makakabuntis kay Kris


Mula sa pahayagang Police Files


WATCHING MACHINE
BY GAS GAYONDATO


 SIGURO kung yung humula na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino this year ay si Daniel Matsunaga ang hinulaang makakabuntis kay Kris, kahit malabo na sa ngayong mangyaari, eh, meron pa ring konting kredibilidad na matitira sa kanya dahil kahit papaano ay malapit naman sa katotohanan ang kanyang hula.

            Imagine, ilang araw na lang ay bagong taon na pero wala pa ring nabubuong romansa sa pagitan nina Kris at Coco.  Close friends lang daw ang dalawa at hanggang doon na lang daw yun, say ni Coco noon. 

Sa umpisa pa lang ay hindi nga sila nagpakita ng senyales na type nilang maka-date ang isa’t isa, e, ang magkabuntisan pa kaya?

            Sa true lang, si Kris kahit hindi niya aminin o kahit todo iwas pa siya kapag tinutukso siya nina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas kay Daniel, ay ipinagkakanulo naman siya ng kakaibang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing nababanggit ang pangalan ng guwapong Brapanese (half Brazillian-half Japanese) na model-turned actor na kasama rin sa pelikula nilang “Sisterakas.”

            Tila iba ang sinasabi ng kanyang bibig sa binubulong ng kanyang dibdib, huh!

            Super nakakaaliw ang guesting nina Kris at Ai-Ai sa “Gandang Gabi Vice” last Sunday.    Sumentro kasi ang usapan about relationship, partikular na ang pagkaka-link nina Kris at Daniel sa isa’t isa.

Botong-boto kasi sina Vice at Ai-Ai kay Daniel para kay Kris dahil bukod sa extremely goodlooking na, e, mukhang mabait pa raw.
Ewan kung sinasakyan lang ni Daniel ang panunukso sa kanila ni Kris ng dalawang bakla (Vice at Ai-Ai) pero mukhang interesado naman ang ex-bf ni Heart Evangelista na ligawan si Kris kung papayag lang ito, kaso kumikiyeme pa ang bru na wala pa sa isip niya ang maglumablayp kaya no way pa na magpaligaw siya sa binata.
            Sa gitna ng tuksuhan ay binuking nina Vice at Ai-Ai na magge-guest ulit si Daniel sa”Kris TV.”  Sabi naman ni Kris, hindi lang basta guest si Daniel sa kanyang show kundi regular co-host niya na raw ito kapalit ni Jason Francisco na ka-tandem ni Melai Cantiveros.

                Yes, si Melai na kiyeme-kiyemeng nirereto ni Kris kay Daniel pero ang totoo, pambubuking nila Vice, ay si Kris daw talaga ang may gusto.

            Natawa pa nga si Kris na dahil kay Daniel ay nawalan ng trabaho si Jason.

            At dahil natuwa si Kris kay Daniel ay in-announce niya agad-agad sa show ni Vice na magkakaroon din ito ng role si sa bagong teleserye nila nina Robin Padilla at Anne Curtis.

             Well...

* * *


SINAGOT ni PAO Chief and 26th Star Awards for TV 2012  Best Public Service Program Host, na si  Atty. Persida Acosta, ang tanong ng isang colleague kung pabor ba siya sa pagkakapasa ng RH Bill sa Kongreso at sa Senado.

            Oo naman, aniya.  Kailangan lang daw maipaliwanag nang mabuti sa madlang pipol kung ano talaga ang advantage ng Reproductive Health Bill, o mas kilala sa tawag na RH Bill,  kapag ito ay naisabatas na.

            Sa RH Bill ay malaya naman daw makakapamili ang mga mag-asawa kung anong paraan ng family planning ang gusto nilang gamitin at isa na nga raw riyan ang natural birth control na pinapaboran ng Simbahang Katoliko.

            At katulad ng Simbahang Katoliko ay tinututulan din ng RH Bill ang abortion.

            Sa true lang ay hindi lang naman tungkol sa Reproductive Health ang nabanggit na bill.  Tungkol din ito sa Responsible Parenthood,  Maternal & Child Care, Sex Education and Population and Development.

            Gusto ko sanang itanong kay PAO Chief kung bakit kailangan pang gawing batas ang naturang bill gayung malaya naman palang makakapamili ang mga mag-asawa ng paraan ng pagkokontrol ng pamilya, pero nasagot niya agad ito bago pa ako nakapagtanong.

            Aniya,  mahalagang maging isang ganap na batas ang RH Bill para hindi na mahirapan ang gobyerno pagdating sa funding (ng family planning devices katulad ng  condoms, birth control pills at IUD’s) pati na ang pagde-dessiminate ng information ng gamit ng mga ito sa lahat ng health care centers.

            After magpaliwanag ni PAO Chief Persida Acosta tungkol sa RH Bill ay inalayan naman siya ng mga miyembro ng PMPC ng ilang awiting Pamasko kung saan pati siya ay nakikanta na rin.

            Bago natapos ang naturang Christmas Party ay pinasalamatan ni Manay Ethel Ramos (tinaguriang Dean ng entertainment press) si PAO Chief sa pagiging supportive at magiliw nito sa nasabing samahan ng entertainment press.