CALLING ALL YVESIANS, 


MYRTELLIANS AND MYRVESIANS!

PLEASE SUPPORT YOUR IDOLS 


YVES FLORES AND MYRTLE 


SARROSA. 

GO TAYO SA MALOLOS SPORTS 


AND CONVENTION CENTER IN BULACAN SA SABADO, JULY 7.

LET’S VOTE MYRTLLE AS PBB TEENS SEASON 4 BIG WINNER!

ILABAS NA ANG ATING MGA PLACARDS MGA MYRVESIANS AT

MAGSUOT NG YELLOW T-SHIRT!

GO, GO GO MYRVESIANS!

Linggo, Hulyo 1, 2012

Binastos ako ng ng 'Paparazzi on my birthday -- Ruffa


OMG
Gas Gayondato



“HINDI ako natuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin.  Wala kayong kwenta at wala kayong respeto,” tweet ni Ruffa Gutierrez pagkatapos niyang sumalang sa “Bulong ng Palad” segment ng showbiz talk show niya sa TV5 na “Paparazzi.”
“The msg from Habitat for Humanity & Ms Faith of Avon Philippines was heartwarming but what happened after that was a disgrace.
“Hindi niyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko!  Yung head ng PROGRESS Gold Milk of Wyeth was at the studio, my friends were watching.”
“Binastos ako ng Paparazzi on my birthday.  I’m so sorry but ‘The Buzz’ would never do this to me.  EVER!”
Ayon pa sa nakarating sa aming chika, ikinagalit daw ni Ruffa ang mga bastos na katanungan patungkol sa mga lalaking na-link sa kanya noon tulad nina Aga Muhlach, Robin Padilla at Zoren Legaspi, with matching pahabol pa about John Lloyd Cruz.
At dahil sa insidenteng ito ay nasabi tuloy ni Ruffa na ayaw niya nang maging bahagi ng nabanggit na showbiz talk show.
“From this day on, I will no longer be part of ‘Paparazzi.’  I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.
“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.
“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.
“Lorin and Venice were watching ‘Paparazzi’ earlier cuz they were excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me,” aniya pa.
* * *
I UNDERSTAND where Ruffa is coming from.  Naiintindihan ko rin ang writers ng “Paparazzi” coz the very concept of their segment “Bulong ng Palad” is may pagka-naughty talaga – parang “Gandang Gabi Vice” sa Dos ni Vice Ganda na punumpuno ng kapilyahan pero wala pa namang guests na napipikon.
            Ruffa maybe fully aware of the fact na may pagka-naughty ang segment nilang “Bulong ng Palad” but I think hindi niya in-expect na sesentro ang mga nakakalokang mga tanong tungkol sa mga lalaking na-link sa kanya in the past.
            I guess pagdating sa kanyang nakaraan, lalo na’t may kinalaman sa mga naging karelasyon niya ay nagiging very sensitive si Ruffa kaya hindi niya kayang i-handle yun kahit sabihin mo pang playtime lang o just for fun lang.
            Doon dapat naging careful ang writers na “Paparazzi.” 
            Kung isa artistang babaeng bakla pa siguro ang isinalang nila sa ganung situwasyon tulad halimbawa ni Ai Ai delas Alas o Rufa Mae Quinto ay baka sila pa ang tumambling sa mga sagot nito at siguradong todo-todong fun ang mage-gets nila.
            But for someone tulad ni Ruffa na matagal ko nang kilala at paminsan-minsan ay nakakasama ko dahil sa publicist nitong si Jun Lalin, alam ko talagang hindi nito carry ang mga ganyang kabaklaang tanong.
            Obviously, the writers of “Paparazzi” did not do their homework well, oh my gosh!

* * *

PANALO ang pilot episode ng “X Factor” na ipinalabas last Saturday, June 23, sa ABS-CBN.
            Ang gagaling ng contestants, pati mga judges, except for Charice Pempengco, na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Martin Nievera at Ms. Pilita Corrales ay kuwelang-kuwela.
Si Charice kasi nakakainis ang kaartehan -- feeling na feeling na, nagpapaka-Aiza pa.                 Naku, siguradong mabubuwisit na naman niyan si Aiza.  Ayaw na ayaw pa naman ng bru
na ginagamit ang name niya when referring to Charice as nagpapaka-Aiza).
            Sa true lang, imbiyernang-imbiyerna ako sa ka-OA-han ni Charice, maging si Kaibigang TC.
            Pero never mind Charice,  okey sa olrayt naman si Tita Pilita – super kuwela.
            Pinaka-like ko among the contestants na pumasa sa audition ay ang 25-year old cutie na si Mark Mabasa.
            Wow, ang galing!  Hanep sa boses at emote ang bru with his very own rendition of “A Song for You” by Leon Russel/Michael Buble.
            Isa pa sa pinaka-like ko ay ang working student na si Jhelsea Maine Flores, 19,  na buong ningning na inawit ang “You Can Reach Me” ni Anita Baker.
            Sa second episode ng “X Factor” ay waging-wagi ang 24-year old lass from Bacolod na si Angelica Prado na inawit ang “The Scientist” ng Cold Play at “One and Only” ni Adele.
            Gustung-gusto ko rin ang tinaguriang new Tina Turner, ang 50-year old mom from Cebu na si Eva delos Santos na talaga namang hats off ang mga judges na sina Gary, Martin, Pilita at ang uma-Aizang si Charice sa ipinamalas nitong talento sa pagkanta.
            With all these super amazing contestants of “X Factor Philippines,” I can’t wait for its next episode, oh my gosh!