Biyernes, Hunyo 22, 2012

Gwendolyn Ruais Binastos!


Mula sa pahayagang PSSST!



OMG
Gas Gayondato



 HINDI pa sure kung a-attend si “Miss World Philippines 2011” and “Miss world First Princess 2011 na si

Gwendolyn Ruais sa coronation night ng “Ms World Philippines 2012” na gaganapin sa Manila Hotel sa 

Sunday, June 24.

                Binastos kasi si Gwen ng dalawang staff ng TV5 na nagngangalang Sheena Flores at Marie 

Something sa pre-pageant gala ng Miss World Philippines 2012 na ginanap sa Dusit Hotel sa Makati last 

June 19.
                Ayon sa chika ng ilang entertainment press na dumalo sa naturang pre-pageant ay sinigawan 

daw si Gwen ng “You’re late” nung nagngangalang Sheena at pagkatapos ay tinalaktalakan pa na para 

bang one of the candidates lang.

                Yung Marie something naman daw ay the nerve na sinabihan si Gwen ng something like, “You 

have no seat.  You’re not in included as one of the judges.”

                Dahil daw sa ginawa ng dalawang staff ng TV5 ay napaiyak na lang ang beauty queen.

                Kung tutuusin, hindi naman daw talaga late si Gwen. 

Maaga naman daw itong dumating sa Dusit Hotel at hinihintay na lang ang abiso ng staff 

ng TV5 or whatever kung kailangan na itong pumasok sa pagdarausan ng pre-pageant , ayon pa diumano 

sa butihing ina ng beauty queen na nagpa-interview sa ilang natirang entertainment press. 

                Ang siste, wala naman daw ni isa sa staff ng TV5 o ni Ms. Cory Quirino (exclusive licensee and 

national director of “Miss Worls Philippines”) ang nag-inform kay Gwen na kailangan na siya sa venue 

kaya ang nangyari ay super wait pa rin ang beauty niya only to be told na she’s late, oh my gosh!
* * *
ANG sa akin naman, sige ipagpalagay na nating na-late nga si Gwen sa nasabing event, wala pa ring 

karapatan ang Sheen Flores na yun at Marie Something na bastusin at talaktalakn si Gwen.

                Baka nakakalimutan ng dalawang ito na ang binastos nila ay ang reigning “Miss World 

Philippines” at “Miss World First Princess,” at hindi kung sino lang.

                At kahit naman siguro sabihin nating Gwen is just one of the candidates o isa lang janitress o 

waitress, hindi pa rin tama na bastusin natin ang ating kapwa.

                Even if our peers commit mistakes, we must always treat them with respect dahil tayo naman ay

mga tao at hindi mga hayop.

                Ooops wait, kahit pala mga hayop ay kailangan din nating irespeto, tao pa kaya?

                Sa pagkakaalam ko ay sinikap naman ni Ms. Cory Quirino na plantsahain ang gusot sa naturang

insidente pero mukhang masamang-masama pa rin ang loob ni Gwen sa nangyari kaya nasabi na lang 

niyang hindi siya sigurado kung a-attend pa siya ng coronation night o hindi na.

                Kung sakaling hindi dumalo si Gwen sa gaganaping coronation night on Sunday, June 24 ay sino 

na ang magpuputong ng korona sa tatanghaling “Miss World Philippines 2012 – si Sheena Flores kaya o 

si Marie Something?

Wow, that’s really something, oh my gosh!

* * *

 MARAMI sa mg nakapanood ng “Gandang Gabi Vice” last Sunday na hindi raw masyadong hinarot ni 

Vice Ganda ang super crush niyang si Neil Etheridge ng Azkalas dahil nandoon daw kasi ang girlfriend 

nito.
                Hindi raw ini-expect ni Vice Ganda na isasama ni Neil ang kanyang girlfriend sa guesting niya sa 

“Gandang Gabi Vice” kaya ganun na lang daw ang pagkadismaya ng komedyana (whew, komedyana 

talaga!).
                Dahil diyan, ang mas nilandi pa raw ni Vice ay ang kapwa-Azkals nito na si Misagh Bahadoran
 
coz wala nga naman itong kasamang girlfriend.

                Pero I don’t think so na naapektuhan si Vice sa presence ng girlfriend ni Papa Neil.  Paki naman 

ni Vice kung nandiyan ang gf ni Neil kung talagang gusto niya itong landiin, di ba, e, magkaiba naman sila 

– tunay na girl naman yun samantalang siya, e, pa-girl. 

                Mas naniniwala pa ako na dahil sa sobrang crush ni Vice si Neil ay nahiya siyang landiin ito.

                Hindi ba ganun naman ang mga girls at pa-girl kapag nakaharap na nila ang crush nila ay saka 

naman umiiral ang pagiging shy kuno.

                Aminin niyo mga baklush and even mga girlash, di ba kapag kaharap niyo na ang super crush 

niyo ay saka naman nawawala ang pagka-flirt niyo at pilit kayong nagpapaka-demure.

                I’m sure ganun ang nangyari kay Vice, dahil sa sobrang pagka-crush niya kay Neil ay medyo 

binawasan niya ang pagkamaharot niya pero deep inside ay siguradong nagwa-water-water na ang 

bakla, ha-ha-ha!

                E, sino ba naman ang hindi magwa-water-water kay Papa Neil, e, ang laki-laki na, ang gwapu-

gwapo pa, oh my gosh!
* * *

PABORITO kong panoorin ang “Pinoy Big 

Brother Teen Edition 4” dahil kay Yves Flores at

hindi dahil sa

 nagagandahan ako sa show.

                Bukod kasi sa parang scripted ang lahat 

ng nagaganap sa loob ng bahay ay parang over na 

sa kaartehan ang mga teen housemates.

                Pero ang da hayt ng pagiging OA ng ilang housemates ay nang malaman nilang binuwag na ni 

Kuya ang 2-in-1 housemates -- ang kambal na sina Joj at Jai.

                Ibig sabihin, isa sa kambal ang aalis na sa bahay ni Kuya.

                Sa true lang, puwedeng maging Best Actress in an OA performance si Karen Reyes sa kanyang

super-duper makabagbag-damdaming eksenang, “Akala ko isa lang!  Akala ko isa lang!” ang aalis sa 

bahay ni Kuya.

Puwede namang tanghaling  Worst Actor in a Single Performance si Ryan Boyce dahil sa kanyang 

Makagusot-mukhang pag-iyak with nary a trace of a single tear falling from his eyes, oh my gosh!

Huwebes, Hunyo 21, 2012

John Lloyd milya-milya na ang layo kay Piolo


Mula sa pahayagang PSST!

OMG!
By Gas Gayondato



 SINCE this is my very first day ever sa pahayagang ito ay dapat 

lang sigurong magbigay pugay muna ako sa lahat ng avid readers ng 

Pssst.
          
          I will not make my makabagbag-damdaming intro long para 

makapagtsikahan pa tayo to the max.
           
          I’d like to take this opportunity para pasalamatan ang ating 

patnugot, and also our long-time friend, Mr. Fernan de Guzman, for 

giving us the chance na maging bahagi ng inyong

paboritong babasahin.
           
       Maraming-maraming salamat talaga, bru!

            At sa inyo pong lahat ipagpatuloy niyo lang ang pagbabasa ng Pssst and always

remember this saying kuno – “Chika is my business, tsismis is your happiness, choz! 

* * *

KA-LEVEL na ni Eugene Domingo si Piolo Pascual.   Pareho kasing naka-10 million peso-

pesoses ang mga pelikula nilang “Kimmy Dora And The Temple Of Kiyeme” at “Every Breath

You Take” respectively sa opening day, ayon na rin sa report na ipinalabas ng Star Cinema.
            
  Good for Eugene kasi hindi pa naman siya kasing laking artista ni Piolo.  Bad for Piolo dahil siya pa naman ang itinuturing na pinaka-bankable leading man ng Star Cinema at ABS-CBN pero ngayon ay mukhang marami na ang nakaungos sa kanya.
Miya-milya na ang layo sa kanya ni John Lloyd Cruz na pawang blockbusters ang mga pelikulang ginawa with Sarah Geronimo, Bea Alonzo and Angel Locsin.
Ang “Unofficially Yours” nila ni Angel na ipinalabas early this year ay naka-18.5 million peso-pesoses on its first day of showing.  
Oh my gosh, ang layo sa 10 million first day gross ng “Every Breath You Take’ ni Piolo, ha!
As of May 27, 2012 ay ang “Unofficially Yours” pa rin nina JLC at Angel ang highest grossing Pinoy film for this year. 
Ang “Moron 5 and the Crying Lady” pa nga nina Luis Manzano at Billy Crawford ang nag-number 2 na nakaka-64.6 million na samantalang ang “Every Breath” nina Piolo at Angelica Panganiban ay nakaka-48.2 pa lang.
Kahit ang “Born To Love You” nina Coco Martin at Angeline Quinto ay mas panalo rin sa box-office over “Every Breath.”
Ayon sa isang report na lumabas na galing pa rin sa Star Cinema, ang “Born To Love You” raw ay naka-29.7 M in 5 days while ang “Every Breath” ay naka-50.2 M in three weeks.
Sa unang tingin parang ang laki-laki ng lamang ng box-office gross ng movie nina Piolo at Angelica kaysa sa pelikula nina Coco at Angeline pero kung tutuusin walang benesa ang movie nina Piolo at Angelica sa movie nina Coco at Angeline.
Ang “Born To Love You” naka-29.7M sa loob lamang ng limang araw samantalang ang “Every Breath” ay naka-50.2M lang sa loob ng tatlong linggo. 
Korek, tatlong linggo as in three weeks which is equivalent to 21 days.
So, kung kukuwentahin mo ang average ng bawat pelikula, lumalabas na ang “Born to Love You” ay humahakot ng 5.8M sa isang araw while ang “Every Breath” ay nakaka-2.38M lang per day.
Gets niyo, oh my gosh!
                                                                             * * *

 I’M sure ikinaloka ng kampo ng mag-asawang  

Raymart Santiago at Claudine Barretto ang 

bagong twist sa kontrobersyal na bugbugan sa 

airport na kinasangkutan nila with columnist

Ramon Tulfo sa Ninoy Aquino International 

Airport (NAIA) last May 6.
           
In-upgrade kasi ng mga abugado ng nabanggit na 

kolumnista ang physical injury charges kay Raymart to frustrated murder.
          
              Tinangka raw patayin ng grupo ni Raymart si Mr. Tulfo.
            
 Isa raw sa mga kasamahan ng mag-asawa (Raymart and Claudine) ay sinubukang agawin

ang baril ng isang airport policeman.
          
Should the airport policeman testify na totoo nga ang tsikang ito ay siguradong madidiin

si Raymart at ang kanyang grupo sa kasong kinakaharap.
           
 Pero even without that gun-grabbing kuno incident, just watching the video kung saan ay

pinagtulung-tulungan ng kampo ni Raymart ang kawawang si Tulfo, parang gusto na talaga

nila itong patayin, oh my gosh!
* * *

SINAGOT agad ni Bianca Gonzales sa showbiz segment 

ng “TV Patrol” na “Star Patrol”

ang libel case na isinampa laban sa kanya, along with  

Annabelle Rama, ng beteranang aktres na si Amalia 

Fuentes.
           
Sabi ni Bianca, wala raw siyang intensyong siraan si Amalia 

sa artikulong isinulat niya tungkol kina Annabelle at Eddie 

Gutierrez.

Ito yung “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & 

 Annabelle,” na lumabas sa kanyang

column na 10 Things You Should Know About sa The Philippine Star last February 12 ng taong

kasalukyan.
          
           Nabanggit kasi ni Annabelle ang pangalan ni Amalia sa kanyang kuwento.
          
          Ang giit ng beteranang aktres hindi raw siya kinunan ng panig ni Bianca.
             
          Nagpakumbaba naman si Bianca at inaming baguhan pa siya sa pagsusulat at humingi ng

paumanhin kay Amalia.
          
       “I have no bad intention nung sinulat ko yun or when I mentioned her name for that

matter.
      
      “And a… yun if she got hurt or if any of the people around her got hurt siyempre I’d like

to apologize,” say pa ng magandang TV host.
           
     So, alam niyo na!