Miyerkules, Pebrero 29, 2012

Dra. Vicki Belo nali-link naman sa isang mas batang modelo


Mula sa pahayagang aksyon
WHAT’S THEPOINT?
Pilar Mateo   


 KALULUTANG lang ng pangalang Aljarreau ‘Al’ Galang na iniugnay sa pangalan ni Dra. Vicki Belo, eto’t may kumakalat naman na inili-link na naman siya sa isang mas bagets sa kanya.  And this time, isa itong modelo at nag-e-endorso rin ng Flawless.
Maski nga ako nagulat.  Kasi si Eduard Mendez eh, pamangkin ko sa pinsang buo ko. Ang kanyang ama ay isang doktor na sa Amerika nananahan.  At kapatid naman ito ni Dr. Joel Mendez.
Kay Neil de Guia namin inilapit noon si Eduard dahil gusto nga nitong pasukin ang showbiz.  At mas dumalas naman si Eduard sa pagrampa sa mga fashion shows at naranasan din naman ang umarte sa harap ng camera sa ilang programa sa telebisyon.

 Pabalik-balik din ito sa Amerika dahil mas gusto nga ng kanyang amang tapusin muna niya ang kanyang pag-aaral sa Maryland.
Nang tanungin ko si Neil about it, sinabi niyang hindi na pala siya ang manager ni Eduard at si Joji Dingcong na.
Well, hahanapin ko muna si Joji para usisain.  Kung true ito o baka naman sadya lang na close si Eduard kay Dra. Vicki bilang endorser ng Flawless nila ni Ruby Coyuito.

* * *

KINUMUSTA ko naman si Joji alaga nitong si Derek Ramsay sa press conference ng latest movie ni Derek with Erich Gonzales na prinodyus ng Star Cinema with Reality Entertainment at Skylight Productions, ang “Corazon: Ang Unang Aswang” na idinirihe ni Richard Somes.
“May bulutong!” bulalas naman ni Derek sa dressing room ng ABS-CBN.
So, at saka na natin kumustahin si Joji about my pamangkin. Ang tsikahan muna with Derek ang ating pag-usapan.
That night na idinaos ang nasabing press conference ang bale pagtatapos na rin pala ng kontrata ni Derek with ABS-CBN.
And that afternoon, natuwa naman siya na ipinatawag siya para sa meeting with the network’s big bosses at na-flatter naman siya na pati ang kanyang ama eh, ipinasama sa nasabing meeting.
Wala pa rin palang katotohanan ang mga kumalat na balitang lilipat na si TV5 si Derek. Nagulat din daw siya nang masulat na ang “Amazing Race” na ang magiging proyekto niya doon.
“Ang nasabi ko before, gusto kong sumali sa “Amazing Race” to compete and not to host.”
Pinabulaanan din ni Derek ang mga balitang pera ang dahilan ng plano sana niyang paglipat.
“Two years ago, I was offered na something.  Pero hindi ko na sasabihin kung saan ‘yun. But I have been loyal to ABS-CBN.  And with that loyalty, hindi naman ako naghanap ng kapalit.
“There were disappointing times, yes.  Tumatanda na rin ako.  Pero lahat naman ‘yun pinag-uusapan.  We have always been open with that.
“Ngayon, I am looking forward to some career changes and the meeting this afternoon was a good one.”
Wala rin daw katotohanan na nagtungo siya sa HongKong to meet with a TV5 big boss.
“Ang Mom ko and si Joji ang nasa Hong Kong.  You may check my passport.  I was here.  Sila naman were there to attend a convention.  Kaya nagulat ako nung masulat na nagmi-meeting na raw kami dun.”
Dito naman sa bago niyang pelikula, naikumpara ni Derek ang mga love scenes niya sa “No Other Woman” at sa love scenes nila ng characters nila ni Erich sa “Corazon.”
 Mas passionate nga raw ang mga sinalangan nila dito dahil mag-asawa ang papel nila. Kaya nga raw excited na siyang maipalabas na ito sa March 14.
He has a project pa with Direk Olive Lamasan kung saan sila naman ni Bea Alonzo ang magkasama.


Derek stay pa rin sa ABS


Mula sa pahayagang Aksyon
Merese
Ni        DINNO ERECE        


 TWITTER QUOTE – Magkasabay nga pala ang Oscars and NBA All-Star game last Monday and so many celebrities are complaining about it including Maxene Magalona who tweets: ‘So the NBA All Star Game and the Oscars are happening simultaneously? Bakit naman nakisabay pa ang NBA?’

***
 STAY pa rin si Derek Ramsey sa ABS.
Star Cinema’s March movie is the horror movie co-produced with Skylight Film and Reality Entertainment, ang “Corazon: Ang Unang Aswang.”
 Written and directed by Richard Somes, it stars Derek and Erich Gonzales and opening nationwide this March 14.
This is Erich’s follow-up movie from last year’s “I Do, I Do” pa and the third straight movie naman of Derek for Star Cinema after the two very successful movies “No Other Woman” and “Praybeyt Benjamin.”
Talks are still rife na balitang lilipat na nga raw ng network si Derek, TV5 yata, but then, may subtle answer si Derek about this without confirming or denying the news.
He just started shooting another movie for Star Cinema directed by Olive Lamasan kung saan sila naman ni Bea Alonzo ang pagsasamahin.
By the way, Derek’s contract with ABS expired that day of the presscon ha, February 29, so we will wait for his next statement about this.
 ***

LOYAL si Dennis Trillo kay Bianca King, ha.
Very happy ngayon si Dennis dahil bukod sa successful ang kanyang pinakabagong primetime soap “Biritera” sa Tele Babad ng GMA after “24 Oras,” he has a love life to speak of although wala pang confirmation sa kanila ni Bianca King.
Ang maganda pa, very quiet sila ngayon as in issue-free ang relasyon nila kung sila man talaga.
Kita niyo naman, ayaw mag-prosper ang tsismis sa kanya about ligawan sa set issue.
Pilit kasing inuugnay ngayon si Dennis sa dalawa niyang co-stars of the Maryo J Delos Reyes soap, sina Glaiza de Castro and Gwen Zamora.
Mabuti na lang, both actresses are denying this lalo na’t balitang nagkabalikan sina Glaiza and boyfriend Dominic Rocco at si Gwen naman, aminadong may dini-date na non-showbiz guy.
O di ba good boy ngayon si Dennis so Bianca must be just as happy.
***

HUWAG nang magputol ng pine trees sa Baguio.
We were alone in Baguio two weeks ago and the first thing we did noticed talaga is the lack of pine tree in what is called as The City of Pines.
Then we remember that SM City Baguio is also planning to cut more pine trees nga pala to give way to its expansion, more of parking lot and bus terminal.
More than a hundred pine trees are scheduled to be cut at tinututulan ito ng mga taga-Baguio and several concerned people.
Nangunguna na rito ang Cagayan representative na si Jack Enrile who is appealing to the management of SM Baguio to reconsider its plan and most specially, to take to consideration din ang feeling ng mga residents of Baguio and even the environmental groups.
Ayaw ni Congressman Enrile na maulit pa yung dating nangyari about a year ago na for the first time, dahil sa bagyo, bumaha sa Baguio dahil sa kakulangan na nga puno tapos magpuputol pa ng more?
Stop.



Martes, Pebrero 28, 2012

Angel, Lovi at Anne sa Best Actress maglalaban-laban


Mula sa pahayagang Aksyon
CHIZBIZ
Ni  ERLINDA RAPADAS

DAHIL sa matitindi at mabibigat na pelikulang kanilang ginawa noong 2011 posibleng sina Lovi Poe, Anne Curtis, Carla Abellana at Angel Locsin daw ang maglalaban-laban at magtutunggali sa Best Actress Award sa darating na awards season sa movie industry.

Sina Lovi at Carla nagmarka sa moviegoers ang kanilang role sa “My Neighbor's Wife.” Iba rin ang akting na ipinamalas ni Lovi sa “Aswang,” “Temptation Island” at “Yesterday, Today & Tomorrow.”
Ganoon  rin naman si Carla na bukod sa “My Neighbor's Wife” ay napansin rin sa “Asiong Salonga” movie at sa “Yesterday, Today & Tomorrow.”
Samantala marami ang bumilib kay Anne sa kanyang  markadong role sa “No Other Woman.” Si Angel nagpaka-daring rin sa pelikulang “In The Name Of Love” katambal si Aga Muhlach with Jake Cuenca.
Sa hanay ngayon ng mga young actress, sina Lovi, Carla, Anne at Angel ang kinakitaan ng husay sa pag-arte at magtatagal sa showbiz, lalo na't bukod sa pelikula ay may mga TV shows rin sila.
Tulad ni Lovi na major cast at bida sa “Legacy” at nagmarka ang kanyang pagganap bilang si Natasha Alcantara!

* * *

BIKTIMA si Rhian Ramos ng maling pag-ibig sa isang lalaking nagwasak ng kanyang reputasyon at walang respeto sa babae.
Napakabigat ng dapat na pagbayaran ni Rhian para lamang matutunan ang isang makabuluhang leksyon sa buhay.  At taas noo niyang hinarap ang masasakit na akusasyon sa kanya ng lahat.
Pikit-mata niyang tinanggap ang mga panlalait at paninira sa kanyang pagkatao.  Hindi siya nagpatalo sa pagsubok ng buhay dahil na rin sa pagmamahal at moral support ng kanyang pamilya, mga kaibigan at Kapuso Stars.
Muli, nakikita namin ang maaliwalas na aura sa mukha ni Rhian.  Natapos na niya ang pelikulang “My Kontrabida Girl” with Aljur Abrenica.
Comedy ang movie at hindi kontrabida ang role dito ni Rhian.  Kaya naman pakiusap ng mga tagahanga ni Rhian Ramos sa mga haters/detractors ng tisay na Kapuso Star (na leadstar sa pelikulang “My Kontrbida Girl” at kasama rin sa “The Road”) na tigilan na ang paninira sa young actress.
Gusto ring umapela at makiusap ng mga supporters ni Rhian sa entertainment writers upang tuluyan na raw maka-move on at makapagsimulang muli sa kanyang career ang kanilang hinahangaang Kapuso Star.
Kung may nagawa mang kasalanan at pagkakamali si Rhian dahil sa sobra niyang pagmamahal at tiwala sa isang lalaking nagsamantala sa kanyang kainosentehan, sana raw ay mabigyan ng chance si Rhian na maituwid ang kanyang mga pagkakamali.
Ituring man siya ng marami na isang Magdalena, ang babaeng makasalanan na dapat libakin at parusahan, deserve pa rin naman ni Rhian Ramos na mabigyan ng panibagong pagkakataon uang maka-move on pagkatapos ng kontrobersya at iskandalo sa kanyang buhay!

* * *

WALANG nasasayang na oras  kay Marvin Agustin kaya successful siya ngayon.  Kahit anong oras niya gustuhing mag-retire sa pag-aartista ay financially stable na siya.
He’s a silent millionaire kaya hindi na dapat pagtakhan kung can afford rin siyang mag-produce ng TV show sa TV5, ang “Kanta Pilipinas” na in full swing na ang pag-a-audition nationwide.
Si Marvin Agustin ang tumatayong producer ng show kaya nabalita rin na pipirma siya ng kontrata sa Kapatid network.
At kahit abala si Marvin A sa maraming bagay, paglalaanan raw niya ng oras at panahon ang pagpo-promote ng pelikulang “The Road” na ipalalabas sa U.S.A. sa Mayo.
Mismong si Direk Yam Laranas na nagsabing kasama sina Marvin, Alden Richards at Rhian Ramos sa US trip para sa “The Road.”
 Halos dalawang dekada na sa showbiz at nakapagpundar na rin ng mga negosyo si Marvin.  Successful din ang kanyang pagpo-produce ng concert ng mga foreign artists na kinukuha niya para mag-concert sa malalaking venue tulad ng Smart Araneta Coliseum.
May mga kasosyo si Marvin Agustin sa bawa't negosyong kanyang pinapasok.  Siya lang madalas ang naka-front sa meetings at negosasyon.  Kaya ang alam ng  lahat ay major partner at owner siya ng negosyong kanyang binubuksan.
Masinop sa pera at sobrang sipag ni Marvin Agustin sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyong karamihan ay resto at food business.
Kahit nasa teyping or shooting siya naisisingit pa niya ang pagsu-supervise sa mga ito.
* * *


BIG break kay Alden Richards ang pagkakapansin sa kanya sa pelikulang “The Road” ng GMA Films.  Nagbunga rin ang kanyang tiyaga at pagsisikap upang magig ganap na aktor.
Kinakitaan ng masidhing determinasyon si Alden kahit noong nagsisimula pa lang siyang gumawa ng pangalan sa showbiz.
Nagsimula siya sa pagsali-sali noon sa pageants at contests sa Sta Rosa, Laguna.  Taong 2009 nang pinalad si Alden Richards na manalo at tanghaling Ginoong Sta Rosa.
Dito rin niya na-meet at nakilala ang ilang showbiz celebrities na tumulong sa kanya bago siy napadpad sa Kapuso netork.  
Ngayon ay makinang na ang bituin ni Alden.  Pero, pressure kay Alden kapag sinasabi ng ilang entertainment writers na siya ang John Lloyd Cruz ng GMA-7.  Hindi lang kasi "good looks" ni JLC ang dapat na pantayan ni Alden pati ang galing umarte at pagiging box-office king ng aktor ay makuha ni Alden.
Nakakakaba ang ganito kataas na expectation sa kanya lalo na ngayong napansin ang kanyang pagganap sa "The Road" ng GMA Films.
Ang pelikulang ito na dinerek ni Yam Laranas ay nakatakdang ipalabas sa 50 (fifty) commercial theaters sa U.S.A. at Canada.
Ang FREESTYLE Releasing Entertainment ang mamamahala sa pagre-release ng "The Road" abroad.
May gagawing red carpet premiere ng “The Road” sa May 9 sa Mann Chinese Theater at dadaluhan ng mga artistang kasama ditto tulad nina Rhian Ramos, Marvin at Alden.

Dingdong vs. Ryan vs. Echo


Mula sa pahayagang aksyon
SHOWBITZ & PIECES
VINIA VIVAR



LUMABAS na ang nominasyon para sa “28th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies” matapos ang mabusising pagre-review ng mga screeners nitong mga nakaraang buwan.
Twenty eight awards ang ipamamahagi ng PMPC para sa iba't ibang kategorya.
        Ang mga nominado para sa mga major categories ay ang mga sumusunod:
        For Movie of the year, nominees ang “Ang Panday 2”  (Imus Productions, Inc. /GMA Films), “Aswang”  ( Regal Entertainment,Inc.), “In The Name Of Love” ( Star Cinema ABS-CBN Film Productions, Inc.), “Manila Kingpin:  The Asiong Salonga Story” (Viva Communication Inc./ Scenema Concept Int’l. ), “No Other Woman” (Viva Films / Star Cinema ABS-CBN Film Productions), “The Road”  (GMA Films) at “My Neighbor’s Wife”  (Regal Entertainment,Inc.).

Sa Digital Movie of the Year, pasok ang mga pelikulang  “Ang Babae Sa Septic Tank” ( Cinemalaya Foundation /Martinez- Rivera Films / Quantum  Films Production ), “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ( Cinemalaya Foundation /  Vim Yapan / Alex Chua Productions / Bigtime Media Productions / SQ Films  Laboratories, Inc. / Optima Digital ), “Ikaw Ang Pag-ibig”  ( Star Cinema/ Archdiocese of Caceres/ Marilou Diaz-Abaya Film Institute and Arts Center), “Patikul”  (Cinemalaya Foundation/ Xiti Productions / Sine Totoo Production), “Sa Ilalim Ng Tulay” ( Cinema One Originals ), “Niño”  (Cinemalaya Foundation /Handurawan Fims), at “Thelma” ( Time Horizon Pictures/ Abracadabra Productions / Underground Logic).
        Sa Movie Directors of the Year, nominess sina Tikoy Aguiluz  (“Manila Kingpin:  The Asiong Salonga Story”), Mac Alejandre  (“Ang Panday 2”),  Ruel S. Bayani ( “No Other Woman “), Olivia  M.  Lamasan (“In The Name of Love”), Jun Lana  (“My Neighbor’s Wife”), Yam Laranas  (“The Road” ) at Jerrold Tarog (“Aswang”) . 
        Nominado naman sa kategoryang Digital Movie of the Year sina Marilou Diaz –Abaya  (“Ikaw Ang Pag-ibig”), Loy Arcenas (“Niño”), Earl  Bontuyan (“Sa Ilalim Ng Tulay”), Joel Lamangan (“Patikul”), Marlon Rivera (“Ang Babae Sa Septic Tank”), Paul Soriano (“Thelma” ),
at Alvin  Yapan ( “Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa”) 
        Sa Best Actress category ay maglalaban-laban sina Ai  Ai  Delas Alas (“Enteng Ng Ina Mo”),  Anne Curtis (“No Other Woman”), Eugene Domingo (“Ang Babae Sa Septic Tank”), Angel Locsin (“In The Name of Love”), Lovi Poe (“My Neighbor’s Wife”), Maja Salvador (“Thelma”) at Judy Ann Santos (“My Househusband”).
        Ang mga nominees naman for Best Actor ay sina Ryan Agoncillo (“My Househusband”),  
Dingdong Dantes (“Segunda Mano”), Jeorge Estregan (“Manila Kingpin: The  Asiong Salonga Story”), Martin Escudero (“Zombadings”), Aga Muhlach (“In The Name of Love”), Derek Ramsay (“No Other Woman “), Jericho Rosales (“Yesterday, Today and Tomorrow”).

 Ipagkakaloob  kay Eddie Gutierrez ang  Ulirang Artista Lifetime Achievement Award  at si  Direk Marilou Diaz-Abaya ang  tatanggap ng Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera.
        Ang Airtime Marketing, Inc., sa pamumuno ni Ms. Tess Celestino, ang producer ng “28th Star Awards For Movies” na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City, sa March 14, Miyerkules.  
Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-uumpisa ang  naturang parangal ng eksaktong alas-5 ng hapon.
Si Direk Al Quinn ang magdidirehe ng awards night na ang airing ay mapapanood sa ABS-CBN sa March 18, 10 p.m.
Ang mga hosts ay sina Sarah Geronimo, KC Concepcion at Derek Ramsay.

 * * *

 WALANG masyadong nakahalata na nagkaroon ng wardrobe malfunction si Iza Calzado last Sunday sa kanyang dance number sa “ASAP Rocks.”  Napunit ang kanyang leggings nang mag-split siya pero good thing, malayo ang shot kaya hindi masyadong pansinin.
Si Iza na mismo ang nag-tweet later that day ng nangyari.
“Omg!!!!!!!! Major wardrobe malfunction!  My leggings ripped when I did my split!  Buti na lang no more lifts after :p Thankful for wide shots!”  tweet ni Iza sa kanyang Twitter account.
            “Sabi nga sa akin Ng Tatay Ko.. "The show MUST go on!!!" I'm really glad the shot was far.  Thank you God and thank you Mr. M (Johnny Manahan, director of the show),” sumunod na tweet niya.
Puring-puri naman si Iza ng mga tao dahil sa kabila ng nangyari, tinapos niya ang dance number na parang walang nangyari.