Lunes, Enero 30, 2012

Roldan Castro: The New PMPC President







                                                  Roldie:  Hi jan na pala u d2 na me    

                        



Biyernes, Enero 27, 2012

Gov. Vi: tulad ni Jennylyn 'di ako perpektong tao





BAGO nagsimula ang induction ng mga bagong opisyales ng 

PMPC ay sinamantala ng entertainment press na kapanayamin ang 

Star For all Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos-

Recto.
            Isa mga tanong ay kung napag-usapan na ba nila ng binata niyang si Luis Manzano if ever mahilingan itong magsilbi (sa taong bayan).
            Ani Gov. Vi, “Okay lang yun.  Magfi-fifteen years na ako ngayon bilang isang public servant.  Malaking parte nito kinalakihan na ni Lucky, so, kumbaga hindi na bago ito para sa kanya.
“Pero kailangan handa siya bago pumasok, kasi ako mismo ang magsasabi sa kanya na ang pagiging public servant hindi biro ito, sakripisyo ito talaga kapag gusto mong magsilbi nang may senseridad.”
Tinanong din si Gov. Vi tungkol kay Luis at sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.
Ang sabi lang ni Gov, “Basta masaya sila wala akong karapatan para pigilin yun and sa nakikita ko masaya naman silang dalawa, pabayaan na natin.”
Sa mga nanghuhusga kay Jennylyn because of her past (isa na nga rito ay pagkakaroon ng bruha ng anak sa pagkadalaga) ay nakiusap si Gov. Vi bigyan natin ito ng chance.
Tulad ni Jennylyn, hindi rin daw siya perpektong tao, na marami ring nagawang pagkakamali in the past, kaya sino ba naman daw siya para husgahan ang kanyang kapwa.
At kung hindi daw dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng mga tao ay hindi niya mararating kung anuman ang narating niya ngayon.
True ka diyan, Gov. Vi.
* * *
Andi open na sa relasyon nila ni Jake


INAMIN ni Andi Eigenmann sa “Kris TV” na totoong hanggang ngayon ay nagdi-date pa rin sila ni Jake Ejercito, anak ni dating Pang. Joseph Estrada.
            Hindi lang daw siya naging open noon tungkol sa relasyon nila dahil ayaw raw niyang madamay sa isyu ang binata, pero ngayon ay wala na siyang keber na malaman ng madlang pipol ang tungkol sa kanilang dalawa.
            Ini-enjoy lang daw nila ang company ng isa’t isa sa tuwing naririto sa bansa si Jake.   Nag-aaral kasi ang bruho sa ibang bansa.
"We're just taking our time.  We don't need to rush anything.  We're both young," say pa ni Andi.
Nagustuhan daw ni Andi si Jake dahil hindi  siya nito hinusgahan.  Kahit nung buntis na siya kay Baby Ellie (Gabrielle), ay  nanatiling nasa tabi niya ang binata. 
"He knows that I feel lucky to have him.”
Sa parents pa nga lang hindi na ganoon kadaling tanggapin, paano pa kaya in our age magkakagusto ka sa mayroon nang baby?” sabi pa ni Andi.
Botong-boto naman kay Jake ang butihing ina ni Andi na si Ms. Jaclyn Jose, na guest din sa “Kris TV.”
Kahit nung dumating si Baby Elle ay nariyan pa rin daw si Jake para kay Andi.
Hiningan ni Kris ng mensahe si Ms. Jacklyn para kina Ellie at Andi.
         “Si Ellie is very pretty.  Blessing siya, binigay siya ng God.   

Nasa stomach palang niAndi, alam ko, magiging part siya ng buhay 

ko.   

         Wine-welcome ko siya nang grabe.  Siya ang nag-extend ng 

family namin para lumaki."
           
        "For Andi, take care of yourself.   By taking care of 

yourself, you're taking care of  Gabrielle (Ellie).
“Be strong and healthy.  Be responsible to Ellie. 

“Yung mga mistakes ko, alam mo kung ano ang mga 'yon. Huwag 

mo nang ibigay kay Ellie.

    “Yung magaganda naman, like taking care of you hands-on

and loving you all the way ng unconditionally."
          
           Narito naman ang mesahe ni Andi sa kanyang mommy:
          
          "I know very well kung alin sa ginawa ng mommy ko para sa 

akin at nung pinapalaki niya ako.  Alam na alam ko na napakarami 

doon makukuha ko sa kanya at pwede kong gayahin.
       
        “Mapapalaki ko rin si Ellie to be a good person and a 

beautiful lady inside and out. 

“Thank you for that.  You made it a point to make me be sure that kahit anong mangyari, lagi ako may kakampi kasi di ka mawawala."

Martes, Enero 24, 2012

PMPC Induction Of New Officers


Gov. Vi di binigo ang PMPC





BONGGACIOUS ang oathtaking ng bagong set of officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa RJ Bistro, Victoria Tower, Timog, Quezon City nu’ng January 24, 2 p.m.
      Tuwang-tuwa ang PMPC officers at members dahil hindi binigo ng Star For All Seasons at Batangas Governor Ms. Vilma Santos ang imbitasyon ng organisasyon para sa kanyang harapan manumpa ang bagong PMPC officers.
Bago ang panunumpa sa kani-kanilang tungkulin ay nagkaroon muna ng munting programa hosted by Evelyn Diao, na isa ring PMPC member.
          Ang outgoing president, Melba Llanera ang nag-opening remarks.  Buong-puso siyang nagpapasalamat sa buong miyembro ng organisasyon sa tiwalang ibinigay sa kanya sa loob ng dalawang taon (2010 at 2011).
       Dumalo rin sa naturang event ang Star Builder na si Kuya Germs (German Moreno). Nagbigay siya ng mensahe hindi lamang sa PMPC kundi sa lahat ng mga naroroong press people.  Ganoon din ang producer ng “Star Awards for Movies, Music and TV” na si Tess Celestino.
      Maging ang National Press Club (NPC) president, Mr. Jerry Yap  ay personal na dumalo at siyang nagpakilala para sa guest of honor, walang iba kundi ang actress-politician, Gov. Vi (Ate Vi sa industriya).
Na-touch si Ate Vi sa pagpapakilala sa kanya ng NPC president lalo nang sabihin nitong “Si Ate Vi, ang platinum actress ng industriya na ngayon ay iginagalang na gobernadora ng Batangas.  Sa 2016 sana ay makita naman natin siyang sa Senado na nakaupo.”
Sa inspirational talk ng Star For All Seasons, nabanggit ni Ate Vi na golden anniversary na niya ngayong taong ito.
At kilalang-kilala na rin niya ang mga miyembro dahil nakalakhan na niya ang PMPC kung saan 46 years ito ngayon (naitatag nu’ng 1966).
Si Ate Vi ay nag-umpisang mag-artista nu’ng siya’y siyam na taong gulang pa lamang.
Pagkatapos manumpa ng mga bagong PMPC officers – Roldan Castro (President), Romel Galapon (Vice President), Jimi Escala (Secretary), Ador Saluta (Vice Secretary), Boy Romero (Treasurer), Blessie Cirera (Vice Treasurer), Joe Cezar (Auditor), Beth Gelena (P.R.O.),  at Board of Directors: Julie Bonifacio, Veronica Samio, Letty Celi, Ernie Pecho, Gerry Ocampo, Timmy Basil at Benny Andaya, ay nagkaroon ng contract signing para sa “Star Awards for Movies” sa pangunguna ng Airtime Marketing producer, Ms. Tess Celestino with PMPC President -- overall chairman ng “28th PMPC Star Awards For Movies,” Roldan Castro at execom chairwoman Julie Bonifacio.
Gaganapin ang Star Awards sa March 14 at mapapanood ito sa ABS-CBN sa March 18.  Ibabalik ng PMPC ang tradisyon na ito ang unang nagbibigay ng award  at palabas sa telebisyon.
Nagpapasalamat din ang bagong PMPC officers sa lahat ng miyembro at mga past president ng organisasyon, mga kaibigang dumalo, ang talent-manager Lito de Guzman, comedienne-actress Chariz Solomon, talent-manager, Ricky Gallardo at ang entertainment editors ng iba’t ibang newspapers.
Pinasasalamatan din ng PMPC ang mga sponsors para sa importanteng araw na ‘yun – Glutamax, Afficionado, Hammerhead, Brazilian Coffee, Erase Placenta at ang F&G Tailors, headed by Jowan and Jun dela Cruz.

PMPC sari-saring eksena




YOU will see in this video one of the past presidents of PMPC Rommel Gonzales, good friend Aaron Domingo of ABS-CBN, PMPC incoming Vice-President Rommel Galapon and outgoing president of PMPC Melba Llanera, greeting their fans, choz!

MS. Blessie Cirera, editor of Police Files,  tries to evade the  camera while Ms. Beth Gelena greets her fans and supporters all over the world, kiyems!

Lunes, Enero 23, 2012

My Bros, My Cousins, My Nephews & My Nieces

Bonding Time

WHENEVER Tita Jacquie (aka Georgio Leonard, the interior designer or Klabing during his/her heydays as a radio announcer in the 70's) is in the country, its always bonding time with my brothers, cousins, nephews and nieces.
         It's nice to see my cousin, Baby, once again after so many years.  Hindi pa raw siya ready to face the camera coz feeling niya raw she's not as pretty as before.
         As if naman pretty talaga siya noon.  Feeling niya lang yun, choz.
         HTF talaga, as in how time flies talaga.  Ang lalaki na ng mga bata.  Here's the proof.  Watch niyo.

Biyernes, Enero 20, 2012

You Tube at Facebook nanganganib magsara





MARAMI pa siguro ang hindi nakakaalam, especially yung mga 

hindi gumagamit, o di kaya ay bihirang gumamit ng internet as a 

source of information, knowledge o alternative entertainment, na 

nagkakagulo na dahil sa SOPA o tinatawag na  Stop Online 

Piracy Act.

            Ano ba ang SOPA at papaano nito maapektuhan ang 

milyun-milyong internet users all over the world?  


Ayon sa Wikipedia, ang Stop Online Piracy Act (SOPA) is law (bill) of the United States proposed in 2011 to fight online trafficking in copyrighted intellectual property and counterfeit goods. 

Proposals include barring advertising networks and payment facilities from conducting business with allegedly infringing websites, barring search engines from linking to the sites, and requiring Internet service providers (ISP) to block access to the sites.
The bill would criminalize the streaming of such content, with a maximum penalty of five years in prison.
User-content websites such as YouTube would be greatly affected, and concern has been expressed that they may be shut down if the bill becomes law.
Opponents state the legislation would enable law enforcement to remove an entire internet domain due to something posted on a single blog, arguing that an entire online community could be punished for the actions of a tiny minority.
 In a 1998 law, copyright owners are required to request the site to remove the infringing material within a certain amount of time.  SOPA would bypass this "safe harbor" provision by placing the responsibility for detecting and policing infringement onto the site itself.
Lobbyists for companies that rely heavily on revenue from intellectual property copyright state it protects the market and corresponding industry, jobs, and revenue.
The US president and legislators suggest it may kill innovation.  Representatives of the American Library Association state the changes could encourage criminal prosecution of libraries.
Other opponents state that requiring search engines to delete a domain name begins a worldwide arms race of unprecedented censorship of the Web and violates the First Amendment.
On January 18, English Wikipedia, Reddit, and several other internet companies coordinated a service blackout to protest SOPA and its sister bill, the Protect IP Act.
Other companies, including Google, posted links and images in an effort to raise awareness.
An estimated 7,000 smaller websites either blacked out their sites or posted some other kind of protest.
A number of other protest actions were organized, including petition drives, boycotts of companies that support the legislation, and a rally held in New York.
* * *
Ashton Kutcher nakikiisa sa pagtutol sa SOPA



AKO mismo ay naranasan ko ang naturang SOPA blackout last 

January 18 when I was trying to connect to Wikipedia.  

Ang hirap pala kapag tuluyan nang nagsara ang mga major sites na pinagkukunan natin ng  impormasyon -- parang nababalewala na ang kahalagahan ng internet.

        Millions of Americans oppose SOPA and PIPA (Protect IP 

 Act) because these bills would censor the Internet and slow economic growth in the U.S.

            Kaya ang kanilang battlecry ay “End Piracy Not Liberty.”

            Ang inventor ng Internet, Marc Andreesen, Wikipedia, 

Google, Facebook, at iba pang higanteng sites ay nakikikisa sa 

protestang ito.

            Ang ilang Hollywood celebrities tulad nina Ashton 

Kutcher, Kim Kardishian at Kevin Smith ay sinusuportahan din 

ang pagtutol sa SOPA.

            Tweet ni Kutcher, "Please don't ignore what's happening 

here.  IMPORTANT MOMENT IN HISTORY! #StopSOPA."

Sinulat ni Kardashian, "We must stop SOPA/PIPA to keep the web 

 open &Free.

Sabi naman ni Smith, "Tell Congress: Don't censor the web!"

        Sa ulat ni Ingrid Lunden ng paidContent.org, isang araw 

matapos ang SOPA protest sa web, the hacker group Anonymous 

has taken the blackout theme to a whole new level:  bilang ganti sa 

pagsasara ng Megaupload file-sharing site, at para sa sarili nilang 

version ng SOPA protest, the group has started to systematically 
take down a number of websites for groups connected to the Megaupload case, including government bodies.
Gamit ang distributed denial of service (DDoS) attacks, pinuntirya ng mga hackers ang Department of Justice’s site ng US, ang RIAA, ang MPAA at ang mga  major record labels --  Universal, BMI at Warner Music Group, ay naapektuhan na.

Ayon pa sa ulat: “At the moment, the hackers are updating a Twitter feed with news of developments of the attack, which it is code-naming #OpMegaupload.
It also appears that it is also going after related sites outside of the U.S. as well.
A series of messages posted on Anonymous’ Twitter feed, have detailed the group’s trail of destruction across the internet.”

Magsisimula nang magbotohan ang US Senate sa January 24.   

Kahit wala tayo sa Amerika, bilang internet users ay malaki ang magiging epekto nito sa atin. 

Labanan natin ang censorship.  Huwag nating hayaang mawala ang very foundation ng freedom ng internet.

Makiisa.  Tutulan ang SOPA!

 

 



Baby Nate nina Ogie at Regine sa Linggo na ang binyag








GOOD news to all the fans and supporters of Ogie Alcasid and Regine Velasquez, ayon sa PEP, sa Linggo, January 22, na ang binyag ng anak ng mag-asawa na si Baby Nate.
 In-announce nina Ogie at Regine ang binyag sa presscon ng kanilang concert na gaganapin next month.
Kabilang daw sa mga ninong at ninang sina Sen. Bong Revilla, Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at Dingdong Dantes.
Siyam na pares daw ang godparents ni Baby Nate.
Bonggacious!
* * *
Eugene nominated for Best Actress sa "6th Asian Awards"

ISA pang good news from PEP.  Nominated si Eugene Domingo as Best Actress sa “6th Asian Awards” para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank.”
Nominated din ang writer ng pelikula na si Chris Martinez sa kategoryang Best Screenplay.
Ia-announce ang winners sa March 19, 2012 sa Hong Kong Convention and Exhibition Center.
Isa sa presentors sa awards night si Uge (tawag kay Eugene).
* * *

NAPANOOD  ko na ang first few episodes ng “City Hunter” na pinagbibidahan ng Korean Superstar na si Lee Min Ho of the famous “Boys Over Flowers” and “Perfect Match” (aka as “Personal Taste” and “Personal Preference”).
            Maganda ang kuwento ng Korean drama na ito na ang original script ay base sa world-famous novel ni Tsukasa Hojo ng Japan.
Sa halip na ang setting ay Tokyo 1980, ginawa itong Seoul 2011.
Based on it’s backstory, mukhang maganda nga ang tatakbuhin ng kabuuan ng istorya ng nasabing Korean drama. 
            Kasama sa 21 members ng special force ang father ni Lee Min Ho (kapapanganak pa lang niya noon)  na ipinadala sa North Korea para patayin ang North Korean agents na nagsagawa ng pambobomba sa Myanmar nang bumisita dito ang presidente ng South Korea.
            Nakaligtas ang presidente pero nasawi ang ibang South Korean officials.
            Bilang ganti, limang high ranking South Korean officials ang nagplano ng isang covert operation -- ang magtungo sa North Korea para i-assassinate ang mga nabanggit na North Korean agents.
Ayon sa plano, ang nasabing special force ay ida-drop malapit sa North Korean coastline at pagkatapos ay papasok sila sa North Korea para isagawa ang assassination.
Ang pangako sa special force, pagkatapos ng kanilang mapanganib na misyon ay may submarine na maghahatid sa kanila pabalik ng South Korea.
Ang siste, habang isinasagawa nila ang naturang operasyon, nagbago ng isip ang limang high ranking South Korean public officers.
Nagdesisyon ang mga ito na i-give up ang 21 special force members, kapalit ng magiging negatibong epekto ng assasination, or something to that effect, sa kanila once na mabunyag na sila ang may pakana nito.
Nang matapos ng mga miyembro ng special force ang kanilang operasyon ay nagbalik na sila sa  karagatan para hanapin ang submarine na maghahatid sa kanila pabalik ng South Korea.
Pero nung pasakay na sila ng submarine ay isa-isa na silang pinagbabaril ng sniper.
Isa sa mga nasawi ay ang ama ni Lee Min Ho na si Park Moo-Yul at ang tanging nakaligtas ay ang kaibigan nitong si Lee Jin-Pyo.
Bilang pagtupad sa pangako sa kanyang matalik na kaibigan,  palihim na itinakas ni Lee Jin-Pyo ang baby (Lee Min Ho) ni Park Moo-Yul sa asawa nito at dinala sa kagubatan ng Thailand,  kung saan nagtayo siya ng sariling kampo.
Mula noon ay si Lee Jin-Pyo  na ang kinilalang ama ni Lee Min Ho.
Kung papano napunta sa Blue House si Lee Min Ho at kung papano niya isasagawa ang paghihiganti sa limang high ranking officials ng South Korea na naging sanhi ng pagkasawi ng kanyang tunay na ama ay yun ang magandang subaybayan sa “City Hunter,” whew!

Lunes, Enero 16, 2012

Janelle nasaktan sa pagkalat ng sex video nila ni Ramgen


IBINUNYAG  saThe Bottomlineni Kuya Boy Abunda ng dating Kapamilya star at girlfriend ng pinaslang na aktor na si Ram Revilla, na si Janelle Manahan, na bago pa naganap ang karumal-dumal na pamamaslang kay Ramgen (tunay na pangalan ni Ram) at pamamaril sa kanya ay meron nang mga attempts para patayin ito.
That’s why hindi raw siya naniniwala sa ipinahayag kamakailan ni Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen, na siya talaga ang target ng killer at hindi ang aktor.
“No.  Kasi first, meron nang attempts, series of attempts before the incident…  Yung naisumbong po sa akin isa lang, yung naikuwento po sa akin.  Pero I'm not sure kung meron pang previous (attempts).”
            Tsika naman ni Kuya Boy, “Yung attempts kasi na sinasabi ko na aking nabasa, yung una raw pumasok, nakita yung larawan ni Senador (Ramon Revilla Sr.), umatras.
            “Tapos pangalawa, pumunta sa kuwarto, kinasa ang baril, umatras.  Yun ang alam mo?”
            “Yun ang naikuwento niya (Ramgen) sa akin,” sagot ni Jannelle.
            “Ano ang reaksyon ni Ramgen?  Sineryoso niya ba,” tanong ulit ni Kuya Boy.
            “Parang nung the way na kinausap niya ako or the way na minessage niya ako, parang nagtataka lang siya kung bakit.
            “Hindi niya rin iniisip na may papatay sa kanya.  Iniisip niya baka raw magnanakaw lang or kung sino.
            “Pero tinatanong niya nga sa akin bakit sa kuwarto niya kumakatok nang ganung oras,” ani Janelle.
            “Pero walang report na nangyari?  Hindi ito nakarating sa pulis,” follow-up question ni Kuya Boy.
“Sinabi ko sa kanya na i-report.  Pero huwag na lang daw kasi wala naman daw tao.  Kasi pina-check niya after,” sagot ni Janelle.
* * *
TUNGKOL naman sa sex video nina Ram at Janelle na kumalat sa internet ay ito ang naging pahayag ng huli:
            “Nagulat at natakot and, siyempre, bilang babae masakit yun.  Pero nung makita ko yung  family ko na sobra-sobra yung suporta...
“Hindi nila ako dyinadge kahit sobrang conservative ng pamilya ko.  Ang una kong naisip magagalit sila sa akin.
            “Hindi yun ang ipinakita nila. And they're trying to make me see yung mga nangyari in a positive way.”
            Pero ang tanong, bakit siya pumayag na magpa-video?
“May tiwala ako dun sa tao.  And mahal ko si Ramgen and matagal kaming magkarelasyon.
            “So, wala akong makitang masama dun sa ginawa ko.”
            Pagpapatuloy ni Kuya Boy, “Ang sabi ni Jobert (Sucaldito) at ang kanyang tanong,
           ‘Were you guys on drugs?”
            “No, definitely not,” mabilis na sagot ni Janelle.
    Never daw silang nag-take ng drugs.
            Ginawa raw nila ang naturang video coz they just wanted to but they were 100 percent sober daw.
            “Meron ba kayong intensyong itago ang file, sirain? What did you talk about the video,” tanong ni Kuya Boy.
            “Actually, nasira na po and deleted lahat ng files na yun.  Pero that time kasi... that was  2007 pa, we kept it until 2009.
            “And then, nung lumabas po yung scandal nina Hayden (Kho) at Katrina (Halili), dun kami nag-decide to delete the files in the laptop.
            “And 'nilipat po kasi namin siya sa CD, kasi we just wanted to keep it.  Kasi kami naman,  e. And alam naman namin na yung relationship namin is not for a while.
            “So, we tried to keep it.  Pero nung lumabas na yung scandal (Hayden-Katrina), sinira namin together.
            “So, I wasn't expecting na may lalabas na ganung video.
            “Kasi daw po kahit i-delete mo siya sa laptop... kasi nasira na namin lahat ng CDs, yung nasa laptop daw po nagki-keep siya ng files sa hard drive.
            “So, kahit deleted na siya mare-retrieve siya. So, baka ganun po ang nangyari.”
            At hindi naman daw niya pinagsisisihan ang nasabing video.
* * *
INAMIN din ni Janelle kay Kuya Boy na at some point ay isa siyang battered girlfriend.  Pero matagal niya na raw pinatawad si Ramgen dahil mahal niya raw talaga ito.
            Nung time na yun ay hindi raw puwedeng sabihin sa family niya ang tungkol sa bagay  na ito kaya sa mga kaibigan niya lang daw siya nag-o-open up.
            Pero kumbinsido raw si Janelle na nagbago na si Ramgen dahil bago raw ito pumanaw ay isang taon na siyang hindi nito sinasaktan.
Sa ngayon ay okay naman daw si Janelle and she’s trying to be strong.
Positibo rin siyang mapaparusahan ang may kasalanan sa pagpaslang kay Ramgen at pagbaril sa kanya.
            Hindi niya raw alam kung sino ito pero alam niya raw kung sino ang tao/mga taong nasa likod nito, whew!


Papa Chen nakatanggap ng indecent proposal



 SA DAMI ng entertainment press na interesadong malaman ang iba pang mga bagay-bagay tungkol kay Richard Yap o mas kilala bilang si Papa Chen sa teleseryeng “My Binondo Girl” ay masasabi kong walang kaduda-dudang sikat na nga ang 44-year-old na baguhang aktor.
            Wow!  It’s something atypical.  Kung hindi ako nagkakamali ngayon lang nagkaroon ng ganitong kaso na ang isang baguhang aktor na lagpas na sa kalendaryo ang edad ay nakuha pang sumikat. 
            Si Papa Chen lang ang nakagawa nitey.
            Kahit ako aminado akong like kong pinapanood ang bruho sa “My Binondo Girl.”  I don’t know, ha, pero talagang malakas ang sex appeal ni Papa Chen kaya ultimo ang co-star niyang si Cherry Pie Picache ay kinikilig sa kanya.
            Unfortunately, happily married na si Papa Chen for 18 years and havey na siya ng two kids.  He graduated daw from De Lasalle University.
            Sa mga hindi pa nakakaalam, siya yung guwapong chef sa isang TV commercial ng Chowking noon.
            Dahil sa taglay na kakisigan at kaguwapuhan, hindi tuloy nakaligtas si Papa Chen sa tanong kung nakatanggap ba siya ng indecent proposal sa isang beki o bading.
            Tumataginting na ‘YES’ ang sagot ng bruho kaya lalong kinilig ang aking mga colleague.   Sa Twitter daw siya nakatanggap ng indecent proposal.
            Sayang, hindi na na-elaborate ang tungkol sa indecent proposal dahil biglang nagkaroon ng interruption.
            Eniweys, panay naman ang pasalamat ni Papa Chen sa entertainment press sa magagandang nasusulat about him at sa televiewers na patuloy na tumatangkilik sa “My Binondo Girl.”
            He was really thankful na sa edad niya raw na itey ay tinanggap siya ng madlang pipol, whew!
* * *
LAST January 13 ay ginanap ang election para sa mga bagong  set of officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Nangyari ang botohan sa mismong PMPC office, Room 202 DETA Bldg., 76 Roces Ave., Quezon City.
Ang bumubuo ng bagong opisyales ay ang mga sumusunod:  President:  Roldan Castro; Vice President:  Romel Galapon, Secretary:  Jimi Escala, Asst. Secretary:  Ador Saluta, Treasurer:  Boy Romero; Asst. Treasurer:  Blessie Cirera; Auditor:  Joe Cezar;  P.R.O.:   Beth Gelena; Board of Directors:  Julie Bonifacio, Veronica Samio, Letty Celi, Ernie Pecho, Gerry Ocampo, Timmy Basil, Benny Andaya.
Buong-pusong nagpapasalamat ang mga bagong nahalal na opisyales sa lahat ng miyembro ng PMPC lalung-lalo na si Pang.  Roldan kung saan una na siyang naging Pangulo nu'ng 2009 na nagkataong Silver Anniversary ng “Star Awards For Movies” at ngayon naman ay Silver Anniversary niya bilang showbiz writer.
Siya rin ang ama ng “Star Awards for Music” na nasa ikaapat na taon ngayong 2012.


Ayaw pang umamin, e… Xian obvious namang nililigawan na si Kim



NUMBER one Primetime Princess ng ABS-CBN kung tawagin ngayon si Kim Chiu ni Kaibigang Eric John Salut dahil sa patuloy na paghataw sa ratings game ng teleserye nitong “My Bindondo Girl.”
            Nagpapatunay lamang ito na tanggap ng televiewers si Kim kahit hindi ang original ka-loveteam niyang si Gerald Anderson ang kapareha niya.
            Of course, it also means click sa madlang pipol ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim.
            Ang tanong ng mga bi-curious, este, ng mga curious kung kanino raw bang idea na pagtambalin sina Kim at Xian. 
            Ang sagot, nagsimula raw ito nang bigyan nila si Kim ng tatlong leading men:  Jolo Revilla, Matteo Guidicelli and si Xian nga.
            Habang umuusad daw ang teleserye (ayon sa isang taga-“My Binondo Girl”) ay marami raw silang natatanggap na feedback, as in positive feedback,  sa team-up nina Kim at Xian kaya tinuluy-tuloy na nila.
            Ako, sa umpisa pa lang talagang gusto ko nang sila ang magkatuluyan sa teleserye and even in real life, coz nakita kong bagay na bagay silang dalawa.
            Iniisip ko pa lang na magsasama ang dalawa sa isang teleserye ay kinikilig na agad akey, lalo na ngayong open na si Xian na espesyal si Kim sa kanya.
            Hindi pa naman inaamin ng bruho na nanliligaw siya sa bruha pero di ba may kasabihan tayong action speaks louder than words?
            E, ano nga ba ang ibig sabihin ng pagreregalo niya kay Kim ng stuffed pillow, ang panghaharana niya with matching choir pa, at ang pag-aalay niya ng song na “Sa ‘Yo Lamang” ditey, na siya mismo ang nag-compose?
Hindi ba obvious na nililigawan na niya si Kim?   So, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Pero sa totoo lang, pag tinatanong si Xian kung nanliligaw na ba siya kay Kim ay hindi ito makasagot nang diretso.
Ang sagot lang ng bruho ay, “Narito lang ako para kay Kim.”
Kung anuman daw ang ginagawa niya para sa dalaga ay gusto lang daw niyang ipadama ditey na he cares.
Although marami ang nakakapansin na kinikilig si Kim kay Xian, hindi naman niya itey ma-express in words.   Prim and proper pa rin ang bruha.  Shy pa rin kung shy.
E, si Xian sobrang shy din kaya siguro parang ang tagal ng development ng kanilang love story.
Pero sabi nga, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.
Sana nga.  Dahil kung hindi sila ang magkakatuluyan sa totoong buhay ay maraming fans ang malulungkot – at isa na kami dun, choz!
* * *

ENIWEYS,  nalalapit na ang pagtatapos ng top-rating Primetime Bida teleseryeng “My Binondo Girl” at sa huling linggo nitey, asahan ang ‘Dragon Finale’ na puno ng mga rebelasyon at mga nakakakilig na eksena, lalo na mula sa mga bida nitong sina Kim Chiu at Xian Lim.
            Sa sunud-sunod na magagandang kaganapan sa buhay nina Jade (Kim) at Andy (Xian), at Zeny (Ai-Ai delas Alas) at Papa Chen (Richard Yap), may hahadlang pa kaya sa kani-kanilang mga relasyon?
            Matuloy na nga kaya ang “Jandy” wedding o pipigilan ito ng isang trahedyang magpapaluha sa lahat?
            Tutukan hanggang sa huli ang mga hindi malilimutang mga karakter nina Matteo Guidicelli, Cherry Pie Picache, Gina Pareno, Ricardo Cepeda, Lauren Uy, Marina Benepayo, Eda Nolan, David Chua, Gillet Sandico, at Simon Ibarra.
            Ang “My Binondo Girl” ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Francis Xavier Pasion.
            Huwag palampasin ang huling lingo ng “My Binondo Girl,” gabi-gabi mula Enero 16 hanggang 20, pagkatapos ng “Budoy” sa ABS-CBN.
            Para sa karagdagang updates, mag-log on sa http://mybinondogirl.abs-cbn.com/, sundan @my_binondogirl sa Twitter at i-‘like’ ang www.facebook.com/abs.mybinondogirl